Apo Hiking Society

Kumot At Unan Lyrics

Kumot At Unan video

Votes:
0
See also:
Wrong lyrics?

Apo Hiking Society - Kumot At Unan lyrics

Mabuti pa ang unan mo, kasama 'pag gabi

Mabuti pa ang kumot mo, kasiping sa tabi

Sa pag-uwi mo, sila ang 'yong kasama

At sa pagtulog, wala nang iba

'Yan ba nama'y pagseselosan ko pa

Kung maaari lang naman

Ako na lamang sana ang

Maari mong gawin na kumot at unan mo

Mabuti pa'ng panyo mo, may dampi sa 'yong pisngi

At sa tuwing kausap ka'y laging nakangiti

Sa pag-uwi ko, 'yan ang naaalala

At sa pagtulog, wala nang iba

'Yan ba nama'y malilimutan ko pa

Kung maaari lang naman (maari ba naman)

Ako na lamang sana ang (puwede ba naman)

Maari mong gawin na kumot at unan moApo Hiking Society - Kumot At Unan - http://motolyrics.com/apo-hiking-society/kumot-at-unan-lyrics.html

REFRAIN

Pangarap kita kahit papa'no pa kita isipin

Pangarap kita, dinggin mo sana ang aking awitin

Pangarap kita, gawin mo sana akong pangarap mo rin

Mabuti pa ang baso, may tikim ng 'yong halik

Naiinggit ang labi kong laging nananabik

Sa 'king paggising, 'yan ang naaalala

Tuwing umaga, wala nang iba

'Yan ba nama'y maiiwasan ko pa

Kung maaari lang naman (maari ba naman)

Ako na lamang sana ang (puwede ba naman)

Maari mong gawin na kumot at unan mo

Kung maaari lang naman (maari ba naman)

Ikaw na lamang sana ang (puwede ba naman)

Maari kong gawin na kumot at unan mo

Write a comment

What do you think about song "Kumot At Unan"? Let us know in the comments below!

Recommended songs