Asin

Masdan Mo Ang Kapaligiran Lyrics

Masdan Mo Ang Kapaligiran video

Votes:
0
See also:
Wrong lyrics?

Asin - Masdan Mo Ang Kapaligiran lyrics

Wala ka bang napapansin sa iyong mga kapaligiran?

Kay dumi na ng hangin, pati na ang mga ilog natin.

Hindi na masama ang pag-unlad

At malayu-layo na rin ang ating narating

Ngunit masdan mo ang tubig sa dagat

Dati'y kulay asul ngayo'y naging itim

Ang mga duming ating ikinalat sa hangin

Sa langit huwag na nating paabutin

Upang kung tayo'y pumanaw man, sariwang hangin

Sa langit natin matitikman

Mayron lang akong hinihiling

Sa aking pagpanaw sana ay tag-ulan

Gitara ko ay aking dadalhin

Upang sa ulap na lang tayo magkantahan

Ang mga batang ngayon lang isinilang

May hangin pa kayang matitikman?

May mga puno pa kaya silang aakyatin

May mga ilog pa kayang lalanguyan ? Asin - Masdan Mo Ang Kapaligiran - http://motolyrics.com/asin/masdan-mo-ang-kapaligiran-lyrics.html

Hindi na masama ang pag-unlad

Kung hindi nakakasira ng kalikasan

Bakit di natin pagisipan

Ang nangyayari sa ating kapaligiran

Darating ang panahon mga ibong gala

Ay wala nang madadapuan

Masdan mo ang mga punong dati ay kay tatag

Ngayo'y namamatay dahil sa 'ting kalokohan

Lahat ng bagay na narito sa lupa

Biyayang galing sa Diyos kahit nong ika'y wala pa

Ingatan natin at 'wag nang sirain pa

Pagkat pag Kanyang binawi, tayo'y mawawala na

Mayron lang akong hinihiling

Sa aking pagpanaw sana ay tag-ulan

Gitara ko ay aking dadalhin

Upang sa ulap na lang tayo magkantahan

Thanks to JZON for these lyrics

Write a comment

What do you think about song "Masdan Mo Ang Kapaligiran"? Let us know in the comments below!

More "18 greatest hits asin" Album Lyrics

Recommended songs