- Votes:
 - See also:
 
Basil Valdez - Ngayon lyrics
Ngayon ang simula ng hiram mong buhay
 Ngayon ang daigdig mo'y bata at makulay
 Ngayon gugulin mo nang tam'at mahusay, 
 Bawat saglit at sandali
 Magsikap ka't magpunyagi
 Maging aral bawat mali
 Ngayon bago it ay maging kahapon(kahapon)
 Ang pagkakataon sana'y huwag itapon(ooh)
 Ikaw, tulad ko rin ay may dapithapon, 
 Baka ika'y mapalingon
 Sa nagdaang bawat ngayon
 Nasayang lang na panahon
 Ituring mong kahapo'y waring panaginip lang
 Ang bukas, pangitain n'yang ganda'y sa isip lang, 
 Kung bawat ngayon mo sa 'yo ay (laging) sulit lang
 Kayganda ng buhay ngayon
 Sa buhay mong hiram(sa buhay mo)Basil Valdez - Ngayon - http://motolyrics.com/basil-valdez/ngayon-lyrics.html
 Mahigpit man ang kapit(kapit)
 May bukas na sa yo'y di na rin sasapit(ooh)
 Ngunit kung bawat ngayo'y dakila mong nagamit
 Masasabi mong kahit na
 Ang bukas, di sumapit pa
 Ang naabot mo'y langit na
 Ituring mong kahapo'y waring panaginip lang
 Ang bukas, pangitain n'yang ganda'y sa isip lang, 
 Kung bawat ngayon mo sa 'yo ay (laging) sulit lang
 Kayganda ng buhay
 Bukas mo'y matibay
 Dahil ang sandiga'y ngayon (ahh)