- Votes:
- See also:
Gloc-9 - Balak Ni Syke lyrics
Kung may alak may balak
Lasing sa kasalukuyan ngunit malaman ang ala-ala
Gising at kasulukuyang malala na
Nadala na sa nakaraang magdamag na baon sa pagtulog
Bukas ang bakas ay may babaon sa limot
Eto ang mga kwento ng makata
Basahin ang mga nasa gitna ng talata
Siksik na parang delata, seksi pang dalaga
Sorry di na ako binata
Ang mga kwento ng makata
Inumpisahan sa tulang pinamagatang Balak
Isinulat na walang alak
Laman lamang ng utak ang pinadaloy sa panulat
Laman ng puso ang pangmulat na walang panggulat
Simple lang, kabado, easy lang
Kung busy, ngisi lang
Kalmado, steady lang
Ngayon ang panahon ng pagbubuhat ng sariling bangko, keri lang
Di mo kailangan mag Ingles para malaman nilang matalino kaGloc-9 - Balak Ni Syke - http://motolyrics.com/gloc-9/balak-ni-syke-lyrics.html
Di rin naman kailangan managalog para malaman nilang Pilipino ka
Pilipino ka, kalabaw ka hindi ka baka
Hindi ka mansanas kundi mangga
At wag mo nang asahan datnan ang panahong tatangos ang iyong ilong
Tsong hindi ka puti, kayumanggi ang kulay mo
Mahalaga kung ano ang kaya mong gawin
Gawing magaling, tinitibok ng bawat damdamin ang gawang magaling
Sumigaw kung kailangan na mailabas ang nagbabagang galit sa dibdib
Ngunit sunog na ang daigdig sa mga sinasabing walang silbi
Kaya nakasalpak sa mga manhid ang panawid gutom,
kumakalam ang tenga
Nakasalampak sa sahig ang mga patay-gutom, said walang kumakalinga
May mga pantas na di malaman ang tungo
Hindi puso kundi nguso ang panturo
Naging sinungaling ang mga labi ng mga bagong saling-lahi
Di pa huli ang lahat, hawiin ang ulam nakakabulag
Kini mao ang akong balak at ang balak namin ni Gloc
Maging makabuluhan ang pagkaguluhan ng nangagarap