Dicta License

Sugat Lyrics

Sugat video

Votes:
0
Wrong lyrics?

Dicta License - Sugat lyrics

Ito ang mga sugat
Kapalaran ng isang nasyon
Iginuhit ng sibilisasyong kanluran
Layuning ibunyag ang katotohanan
Ngunit bitbit nga sandata't karahasan
Silang naturing bumigkas ng inyong pangalang biniyagan ng inkaruwagan
Unti-unting naglaho ang natutunang kultura
Simulang 'di pagkilala sa mga sugat
Nalimutan na ang kinagisnang ritmo
Mga instrumento, liriko at tiyempo
Nasaan na nga ba ang mga testamento?
Bukod sa puso

Heto ang mga sugat
Mga sugat ko 'to
Ang simula ng paghilom
Ang pagkilala ko (2x)
Sa mga sugat
Mga sugat mo 'to
Ang simula ng paghilom
Ang pagkilala mo (2x)
Sa mga

Heto and mga sugat
Nakaukit sa kayumanggi kong balat
Tulad sa mgatekstong naisulat sa mga aklat
Buklatin ang kasaysayan ng pagkabigo
Ang sanhi kung ba't damdamin ay natuyo
Di ba tiwala ngayo'y nawasak sa dilim
Ang pagnanakaw mo ay di narin lihim
Itong kutura ay dapat hilumin
Sakit ng mga utak alipin
Tila yata naubos na silangDicta License - Sugat - http://motolyrics.com/dicta-license/sugat-lyrics.html
Nagmamahal sa bayan kong Ina
Ating alalahanin ang mga ugat

Heto ang mga sugat
Mga sugat ko 'to
Ang simula ng paghilom
Ang pagkilala ko (2x)
Sa mga sugat
Mga sugat mo 'to
An simula ng paghilom
Ang pagkilala mo (2x)
Sa mga

Hilumin mo ako
sa mga galos ko
sa mga galos na natamo (3x)

Hilumin mo ako
sa mga galos ko
sa mga galos kong ito

Hilumin mo ako panahon
Sugat kong matagal nang nabaon (2x)

Heto ang mga sugat
Mga sugat ko 'to
Ang simula ng paghilom
Ang pagkilala ko (2x)
Sa mga sugat
Mga sugat mo 'to
Ang simula ng paghilom
Ang pagkilala mo (2x)
Sa mga sugat

Write a comment

What do you think about song "Sugat"? Let us know in the comments below!

More "Paghilom" Album Lyrics

Recommended songs