- Votes:
- See also:
Apo Hiking Society - Batang-Bata lyrics
BATANG-BATA 
 By: Apo Hiking Society 
 Batang-bata ka pa at marami ka pang 
 kailangang malaman at intindihin sa mundo
 Yan ang totoo 
 Nagkakamali ka kung akala mo na ang buhay
 ay isang mumunting paraiso lamang
 Batang-bata ka lang at akala mo na na alam 
 mo na ang lahat na kailangan mong malaman
 Buhay ay di ganyan
 Tanggapin mo na lang ang katotohanan na ikaw 
 ay isang musmos lang na wala pang alam 
 Makinig ka na lang makinig ka na lang 
 Chorus
 Ganyan talaga ang buhay lagi kang nasasabihan
 Pagkat ikaw ay bata at wala pang nalalaman
 Makinig ka sa 'king payo pagkat musmos ka lamang 
 At malaman ng maaga ang wasto sa kamalian 
 Apo Hiking Society - Batang-Bata - http://motolyrics.com/apo-hiking-society/batang-bata-lyrics.html
 Batang-bata ako nalalaman ko 'to 
 Inamin ko rin na kulang ang aking nalalaman at nauunawaan
 Ngunit kahit ganyan ang kinalalagyan alam 
 ko na may karapatan ang bawat nilalang
 Kahit bata pa man kahit bata pa man 
 Nais ko sanang malaman ang mali sa katotohanan 
 Sariling pagraranas ang aking pamamagitan
 Imulat ang isipan sa mga kulay ng buhay
 Maging tunay na malaya sa katangi-tanging bata
 Batang-bata ka pa at marami ka pang 
 kailangang malaman at intindihin sa mundo
 Nais ko sanang malaman ang mali sa katotohanan
 Batang-bata ka lang at akala mo na na alam mo
 na ang lahat na kailangan mong malaman 
 Sariling pagraranas ang aking pamamagitan 
 Nagkakamali ka kung akala mo na ang buhay 
 ay isang mumunting paraiso lamang
 la la la ý 
 la la la ý (fade)









