- Votes:
Constancio De Guzman - Maala-ala Mo Kaya lyrics
Huwag mong sabihing ikaw'y hamak
 Kahit na isang mahirap
 Pagkat ang tangi kong pag-ibig
 Ganyan ang hinahanap
 Aanhin ko ang kayamanan
 Kung ang puso'y salawahan
 Nais ko'y pag-ibig na tunay
 At walang kamatayan
 Maala-ala mo kaya
 Ang sumpa mo sa akin
 Na ang pag-ibig mo ay
 Sadyang di magmamaliw
 Kung nais mong matanto
 Buksan ang aking pusoConstancio De Guzman - Maala-ala Mo Kaya - http://motolyrics.com/constancio-de-guzman/maala-ala-mo-kaya-lyrics.html
 At tanging larawan mo
 Ang doo'y nakatago.
 Di ka kaya magbago
 Sa 'yong pagmamahal
 Hinding-hindi giliw ko
 Hanggang sa libingan
 O kay sarap mabuhay
 Lalo na't may lambingan
 Ligaya sa puso ko
 Ay di na mapaparam
 Maala-ala mo kaya
 Ang sumpa mo sa akin
 Na ang pag-ibig mo ay
 Sadyang magmamaliw












