- Votes:
- See also:
Dessa - Lipad Ng Pangarap lyrics
Taglay mo sa bagwis ng iyong paghayo
 Ang pangako ng walang hanggang bukas
 Pabaon man sayoy hapdi ng puso
 Aabutin na ang pangarap..
 At ang bunga ng wagas mong pagsisikap
 Pag-unlad nitong bayang nililiyag
 Kapalit ng dalamhatit paghihirap
 Pag-angat ng kabuhayang marilag..
 Liparin mo ang hangganan ng langit
 Sa ulap ng pag-asay iyong makakamit
 Ang tagumpay na bunga ng iyong pagpupunyagi
 Pangarap ng inang bayang tinatangi.
 (Pabaon man sayoy hapdi ng puso
 Aabutin ang pangarap)
 Dessa - Lipad Ng Pangarap - http://motolyrics.com/dessa/lipad-ng-pangarap-lyrics.html
 Tutularan ka ng sunod na salin-lahi
 Kapuri-puring pag-aalay ng lakas
 Nagpupugay sa makabagong bayani
 Ang buong bansay nagpapasalamat
 Liparin mo ang hangganan ng langit
 Sa ulap ng pag-asay iyong makakamit
 Ang tagumpay na bunga ng iyong pagpupunyagi
 Pangarap ng inang bayang tinatangi..
 Ingatan mo ang lipad ang pangarap
 Umaasa sa iyo ang bayan mong naghihintay
 Kamtin mo sa dulo ng lahat ng iyong pagpapagal
 Ang tamis na dulot ng iyong tagumpay
 Ang tamis na dulot ng iyong
tagumpay
 Ang tamis na dulot ng Iyong tagumpay









