Equilibrio

Astig Talaga Lyrics

Astig Talaga video

Equilibrio
Overview
Votes:
0
Wrong lyrics?

Equilibrio - Astig Talaga lyrics

Kahit patuloy na naghihirap,
kahit palagi kang naghahanap,
kahit lahat ng simula'y napunta lamang sa wala,
nagagawa mo pang muling mangarap.

Astig ka talaga, bok -
buhay pa rin ang loob.
Sana'y palarin ka.

Kahit lumalaong walang asenso,
kahit natatanggap mo'y di husto,
kahit naglaho lamang ang mga pangakong nadama,
naiisip mo pang may magbabago.

Astig ka talaga, bok -
buhay pa rin ang loob.
Sana'y palarin ka.

Astig talaga - matatag sa paniniwala
na kung may tiyaga ay may himala.

Dahil walang katagil-tigil ang gulo,
dahil laging ikaw ang syang talo,
kahit lahat ng simula'y napunta lamang sa wala,
hindi mapipigil ang bagong yugto.Equilibrio - Astig Talaga - http://motolyrics.com/equilibrio/astig-talaga-lyrics.html

Astig ka talaga, bok -
buhay lagi ang loob.
Sana'y pagpalain ka.

Astig talaga - matatag sa paniniwala
na kung may tiyaga ay may himala.

Dahil patuloy … na naghihirap,
dahil palagi kang naghahanap,
kahit naglaho lamang ang mga pangakong nadama,
tuloy ang pagsisikap.

Astig ka talaga, bok -
buhay lagi ang loob
Sana'y pagpalain ka.

Astig ka talaga, bok -
buhay lagi ang loob
Sana'y pagpalain ka.

Astig ka talaga, bok -
buhay lagi ang loob
Sana'y pagpalain ka.

Write a comment

What do you think about song "Astig Talaga"? Let us know in the comments below!

More "Sige Lang" Album Lyrics

Recommended songs