- Votes:
Espada - Pinaasa lyrics
Ooh bakit mo pinaasa
kalungkutan ang natamasa
puro pasakit ang pinalasa
sa iba nagpakasasa
akala ko tayo na sana
Ginawa ko nang lahat
pinilit ko na rin ako'y maging tapat
pero ginawa mo sakin di ko matanggap
buhay na ang binigay ngunit di parin sapat
pano mo nagawa na ako'y paasahin
paasa ka pala ( paasa ka pala)
di ko akalain
nasan na ang sinasabi mo na tila nabaliwala ang mga pangako mo sa akin di akalain na kayang paasahin mo lang ako naging bato lagim ba to, halika nga't masdan ako, mga luhang pumapatak dahil sayo, at kung babalik ka sa akin di ko na muling matatanggap, kinalimutan ko nang lahat, kailan man di na magiging sapat, wala nang hanggan, ako'y nasaktan, di mo na pwedeng muling hagkan, pinaniwala mo lang ako sa kasinungalingan at katangahan
[chorus]
Tulala sa isang tabi
tila malamig na ang aking gabi
di ko mapigilan na ang mga ngiti
iniisip na ikaw ay katabi
kasabay ng pagpatak ng luha sa pisngi
puso kong ito parang dinudurog unti-unti
sa mga oras na ito wag mag-alala
ang isang tulad ko ay yong sinaktan at yong pinaasa
Ginawa ko nang lahat
pinilit ko na rin ako'y maging tapat
pero ginawa mo sakin di ko matanggap
buhay na ang binigay ngunit di parin sapat
pano mo nagawa na ako'y paasahin
paasa ka pala ( paasa ka pala)
di ko akalain
pinaasa mo ako na tayo na magkatuluyan, ngunit sa bandang huli bakit mo lang ako iniwan, sinasabi mo sa akin na ako lang ang mahal, ngayon ako'y nagtatanong asan ang pagmamahal, mistula kong naging hangal nang umibig sa iyo, ikaw pala ang siyang sisira sa relasyong binuo, at ayoko na sayo pagkat hindi ko matanggap na ang katulad mo sa akin nagawa mong magpanggap
sadyang hindi mapipigilan ang pagpatak ng aking luha, na ako iyong pinaasa, sa iba ka na sumama, ikaw lang ang pinapangarap makasama sa walang hangganan, pero bakit ang katulad ko tuluyan nalang iniwan, pinilit kong ipadama ang aking nadarama, bakit sinabi mong hindi tayo para sa isa't-isa, ayoko nang balikan ang mga nakaraan na hindi ka na para sakin sa iba ka na nakalaan
[chorus]
Tulala sa isang tabi
tila malamig na ang aking gabi
di ko mapigilan na ang mga ngitiEspada - Pinaasa - http://motolyrics.com/espada/pinaasa-lyrics.html
iniisip na ikaw ay katabi
kasabay ng pagpatak ng luha sa pisngi
puso kong ito parang dinudurog unti-unti
sa mga oras na ito wag mag-alala
ang isang tulad ko ay yong sinaktan at yong pinaasa
Ginawa ko nang lahat
pinilit ko na rin ako'y maging tapat
pero ginawa mo sakin di ko matanggap
buhay na ang binigay ngunit di parin sapat
pano mo nagawa na ako'y paasahin
paasa ka pala ( paasa ka pala)
di ko akalain
pinangako mo sa akin na pag-ibig habang buhay, ngunit, subalit, datapwat lahat ng to'y nawalan ng kulay ng sabihin mong di mo na kaya pang ipagpatuloy ang nasimulan na nating dalawa na mainit pa sa apoy, pero ngayon, wala na ngang natitirang direksyon, ang buhay kong etong pinaasa at ako sayo'y lulong, nakakulong ang diwa at sayo'y di na aasa dahil pawang pasakit lang sayo ang natamasa
akala ko pa naman noo'y ika'y magiging akin, hinding-hindi ko inasahang puso ko'y lilisanin, titiisin ko na lang ang lahat ng sakit na iyong iniwan, hinding-hindi ka na matatanggap kahit ako ay balikan kailanman, kahit ikaw ay magmakaawa pa sa akin, binihag ako, pinaibig ako, pagkatapos lilisanin, gustong sabihin sa iyong harap, wag kukurap, sobrang hirap, wag nang sumulyap, minahal kita, pero bakit ba ganito ang natanggap.
[chorus]
Tulala sa isang tabi
tila malamig na ang aking gabi
di ko mapigilan na ang mga ngiti
iniisip na ikaw ay katabi
kasabay ng pagpatak ng luha sa pisngi
puso kong ito parang dinudurog unti-unti
sa mga oras na ito wag mag-alala
ang isang tulad ko ay yong sinaktan at yong pinaasa
Ginawa ko nang lahat
pinilit ko na rin ako'y maging tapat
pero ginawa mo sakin di ko matanggap
buhay na ang binigay ngunit di parin sapat
pano mo nagawa na ako'y paasahin
paasa ka pala ( paasa ka pala)
di ko akalain
Ginawa ko nang lahat
pinilit ko na rin ako'y maging tapat
pero ginawa mo sakin di ko matanggap
buhay na ang binigay ngunit di parin sapat
pano mo nagawa na ako'y paasahin
paasa ka pala
di ko akalain