- Votes:
- See also:
Gloc-9 - Akin Lang Naman lyrics
Wag Mo kong pansinin
 Wag mo kong pakinggan
 Pagkat ang sinasabi ko ay akin lang naman
 Wag Mo kong pansinin
 Wag mo kong pakinggan
 Pagkat ang sinasabi ko
 Ito ay akin lang naman, naman, naman, naman
 Dedma, yan ang dapat mong gawin
 'pag narinig ang bawat salita 
 Na basa ng laway sa aking bibig
 Na aking dinudura sa mga pagmumukha
 Ilan ba ang natutuwa kapag ako ang tumula
 Wala naman naisip 'to lamang bigla ano kaya ?
 Kung isang araw ako ang siyang kumabig ng taya
 Sa sugal na kung tawagin na ito'y pulitika
 Malamang sa malamang kung di kilala lugi ka
 Kaya't ang mabuti pa'y ipaubaya mo na sa akin
 Hindi mo nakikita, susubukan kong baguhin
 Isang araw lang naman ang iyong pagpapahiram
 Ng kapangyarihang ang nakahawak lang ay ilan
 Hindi tama ang magbintang, subukan nating magbilang
 Ilang taon ang dumaan, bakit napagiiwanan
 Hindi ko po kayo pinangungunahan,o dinidiktahan
 Dahil ang sinsabi ko ay akin lang naman
 Wag Mo kong pansinin
 Wag mo kong pakinggan
 Pagkat ang sinasabi ko ay akin lang naman
 Wag Mo kong pansinin
 Wag mo kong pakinggan
 Pagkat ang sinasabi ko
 Ito ay akin lang naman, naman, naman, naman
 Alam kong di ito madali at medyo mabigat
 Pero kung susumahin ang importante lang sa lhat
 Ay marunong kang maawa sa mga naghihirapGloc-9 - Akin Lang Naman - http://motolyrics.com/gloc-9/akin-lang-naman-lyrics.html
 Minsan kailangang sumagot kahit walang kausap
 Nang wala nang batang namamalimos at nangaapak
 Wala nang umiiyak dahil kinabukasa'y di tiyak
 Libre ang makapagaral, hustisiya'y di mabagal
 Ang mawalan ng pera sa ospital ay hindi sagabal
 Wag Mo kong pansinin
 Wag mo kong pakinggan
 Pagkat ang sinasabi ko ay akin lang naman
 Wag Mo kong pansinin
 Wag mo kong pakinggan
 Pagkat ang sinasabi ko
 Ito ay akin lang naman, naman, naman, naman
 Kung ako ang presidente, busog ka na sa bente
 Ang lahat ay pantay-pantay, iskwater man o disente
 Lahat ay mya bubong , lahat ay may dingding
 Kung walng makian, di magsasangla ng singsing
 Dahil ang pasweldo ay tama sa mga manggagawa
 Sa dagdag-sahod ay di kailangang magmakaawa
 Mga lagay-lagay, perang tangay-tangay
 Kapag napatunayan , ikulong lahat sabay-sabay
 Kase walang mayamayaman,dapat maya-maya lang
 Tinuturuan ng leksyon , mga mayamayabang
 Mga abusado sa kagawaran ng gobyerno
 Nagaagawan lang sa pwesto mahawakan lang pursento
 Pero, kahit suntok sa ulap, baka ika'y mamulat
 Kinakalawang na pinto sabay nating itulak
 Laging tandaan di ko po kayo dinidiktahan
 Dahil ang mga sinasabi ko ay akin lang naman
 Wag Mo kong pansinin
 Wag mo kong pakinggan
 Pagkat ang sinasabi ko ay akin lang naman
 Wag Mo kong pansinin
 Wag mo kong pakinggan
 Pagkat ang sinasabi ko
 Ito ay akin lang naman, naman, naman, naman








