- Votes:
- See also:
Gloc-9 - Alalay Ng Hari Feat. Allan Mitchell Silonga lyrics
[Chorus:Allan Mitchell]
 Ako ay isang tagahanga mo
 Ako na magdadala ng mga hawak mo
 Pupulutin ko lahat ng binitawan mo
 Ako'y iyong alalay
 Ako ay isang tagahanga mo
 Ako na magdadala ng mga hawak mo
 Pupulutin ko lahat ng binitawan mo
 Ako'y iyong alalay
[Gloc 9]
 Tandaan mo kahit ano man ang mangyari ay utang ko
 Ang palakpakan at respeto niyo
 Kapag hawak ang tumutunog na mikropono
 Kableng nakapulupot sa kamay para di mahugot
 Ay parang wallet sa snatcher ako ang mandurukot
 Mga linya kong sinulat ginamit ang panulat
 Nagsimulang mag-ulat ang lahat ay nagulat
 Sa kanya nanggagaling mula sa itaas
 Ngunit sa yo pinaabot ikaw ang nagbukas
 Sa akin ay nagturo ipunin ang kaltas
 At kung pano di matibos ang masukal na landas
 Sa tuwing ika'y kausap ako'y nahihiya
 Parang nananaginip ako'y tuwang-tuwa
 Kaya sa gabi ako'y palaging nakatingala
 Kasi pwede pa lang maging sigurado ang baka
 Sabay sa entablado ang lahat ay ganado
 Ikaw rin ang nagpasakay sa'kin sa eroplano
 Kahit sabihin ng iba na ako ay dehado
 Pero dahil sa'yo ay matagal na kong panalo
[Chorus:Allan Mitchell]
 Ako ay isang tagahanga mo
 Ako na magdadala ng mga hawak mo
 Pupulutin ko lahat ng binitawan mo
 Ako'y iyong alalay
 Ako ay isang tagahanga mo
 Ako na magdadala ng mga hawak mo
 Pupulutin ko lahat ng binitawan mo
 Ako'y iyong alalay
[Gloc 9]
 First year highschool sa Morong, Rizal
 Hindi ka ba nahihiya medyo makapalGloc-9 - Alalay Ng Hari Feat. Allan Mitchell Silonga - http://motolyrics.com/gloc-9/alalay-ng-hari-feat-allan-mitchell-silonga-lyrics.html
 Daw ang aking mukha bakit ka ba laging kasali
 Nagbabakasakali na hindi matanggal
 Kasi nung araw doon sa amin ay di pa masyado
 Maraming rapper ang mapapakinggan mo sa radyo
 Kasi siguro'y naiiba pa noon ang uso
 Ngunit lahat ng kanta mo ay aking kabisado
 Pag cold summer nights ay napapraning
 Meron akong ano na di bading ang dating
 Silang mga ubos biyaya na laging lasing
 Mga nilamon ng sistema na andyan pa rin
 Kabulok ang nangangamoy kahit dumaan sa korte
 Sinong kumain ng isang kilong mahiwagang kamote
 Kaya mga kababayan ito ang gusto ko
 Hindi ka dapat mahiya kahit ilong mo ay pango
 Kasi tayo'y mga Pinoy anuman ang mangyari
 May Man from Manila na palaging magsasabi
 One can't talk peace if you have a gun
 Handa ka bang ipaglaban ang three stars and a sun
[Chorus:Allan Mitchell]
 Ako ay isang tagahanga mo
 Ako na magdadala ng mga hawak mo
 Pupulutin ko lahat ng binitawan mo
 Ako'y iyong alalay
 Ako ay isang tagahanga mo
 Ako na magdadala ng mga hawak mo
 Pupulutin ko lahat ng binitawan mo
 Ako'y iyong alalay
[Allan Mitchell]
 Kahit ano pa man sabihin ng iba
 Ika'y nag-iisa at ako ang yong tagahanga
 Di ko lubos maisip nabago na ang ihip
 Nang ikaw ay mawala dumami ang nagpupumilit
[Chorus:Allan Mitchell]
 Ako ay isang tagahanga mo
 Ako na magdadala ng mga hawak mo
 Pupulutin ko lahat ng binitawan mo
 Ako'y iyong alalay
 Ako ay isang tagahanga mo
 Ako na magdadala ng mga hawak mo
 Pupulutin ko lahat ng binitawan mo
 Ako'y iyong alalay









