- Votes:
- See also:
Gloc-9 - Apatnapungbara lyrics
[Chorus: Ian Tayao of Queso]
 Ako'y tutula mahaba
 Ako'y umupo na po
 Tapos na nga hugasan
 Ang mga kamay ng mga makata
 Lahat na yata tayo ay makata
 Lahat na yata tayo ay makata
 Gusto ko sanang maniwala
[Gloc 9]
 Ikaw nanaman, diba kalalabas mo lang?
 Kung magsulat ka ng kanta para bang papasko lang
 Tila lupang di tigang sa letra mong bilang
 Walang tigil sa pag-agos pinapadulas mo lang
 Di naman super lolo pero bakit sumasabog?
 Ang lahat ng kuha mo kahit di makapal ang apog
 Pinag manhik manaog, ibang klaseng tagalog
 Parang altapresyon sa kumakapal na batok
 Tapos na ang biruan, walang pala-palabok
 Wag kang gumamit ng baldeng butas sa pag-salok
 Magpahagod pagnapagod paghumagok magpadagok
 Laging handa sa pagsusulit kahit walang pasok
 Ang bata na inaral ang Aba Ka Da
 E Ga Ha I La Ma Na O Pa Ra Sa Ta U Wa Ya
 Kung di makasabay sa aking makakaya
 Bumaba ka sa aking pasada, Mama para
 Ibalik ang bayad, sumayad ang speaker sa lakas
 Ng tunog, lumubog ang mga mapangahas
 Na humahamig kahit na hangin lang ang kinahigGloc-9 - Apatnapungbara - http://motolyrics.com/gloc-9/apatnapungbara-lyrics.html
 Nag-uunahan sa pagdampot ng putik at ipahid
 Ako ang magaling palaging sinisigaw
 Sa loob ng kaing na may kalburo ang manggang hilaw
 O kandilang tunaw, o itak na bingaw
 Pagpinagsama natin ang dalawa, oo ikaw!
 Matagal-tagal narin po akong nagtatampisaw
 Sa tubig na kung minsan ay parang kanal hangin
 Kaya may oras na parang gusto kong bumitaw
 Ngunit salamat sa hindi nagdadala sa akin
 Pero aaminin ko, nakakapanghinayang
 Lisanin ang trabaho na kailangan mong tibayan
 Ang mukha mo, ito'y bago, kabisado na tula to
 Sa mukha mo itaya mo patipato ano kamo?
 Baway CDng nabenta mo wala pang limampiso
 Ang babalik sayo teka wala kang benepisyo
 Pero ayos lang kasi ito ang yong pinagdasal
 Di man kasing bango ng lahat ng nahahalal
 Mga nakakadinig, sila ang sumatutal
 Pagkakataong humukay ng panibagong bukal
 Na humuhubog sa isip ng mga batang may pangarap
 Kahit anong mangyari wag kang bibitaw sa yakap
[Chorus: Ian Tayao of Queso]
 Ako'y tutula mahaba
 Ako'y umupo na po
 Tapos na nga hugasan
 Ang mga kamay ng mga makata
 Lahat na yata tayo ay makata
 Lahat na yata tayo ay makata
 Gusto ko sanang maniwala









