- Votes:
- See also:
Gloc-9 - Balita lyrics
lapit mga kaibigan at makinig kayo
 ako'y may dala dalang balita galing sa bayan ko
 nais kong ipamahagi ang mga kwento
 at mga pangyayaring nagaganap sa lupang pinangako. 
ako ay pilipino sa isip at sa gawa
 ngunit bakit mga pinuno puro lamang salita
 isang gobyerno na kayang sikmurain at magtawanan
 may pamilyang kumakain na kulang sa dalawang
 beses sa isang araw minsan wala pang pang lugaw
 bakit ganito kababaw isang pagkaing nilangaw
 ang dadamputin at kakainin ng batang gutom
 alam ba ng mga husgado at lahat ng hukom
 na merong mas masahol pa sa hatol na kamatayan
 yan ay ika'y maging mahirap sa sarili mong bayan
 mga bata na ang dapat na ginagawa'y maglaro
 bagkus ay agos ng pawis at magbanat ng buto
 upang kumita ng ilang pirasong pisong madungis
 kalyo sa kamay at paa na manhid sa matulis
 hindi manika ang hawak ng kanyang mumunting braso
 bagkus isang taong gulang nyang kapatid at may baso sa harapan
 na nagbabakasakaling lagyan baryang pambili ng tinapay na pang laman sa tiyan
 mga pinunong bago mamatay at magkasakit
 sa sarap ng buhay sakin kayo ay makinig. 
duul mga kaigsuunan ugpami naw kamoGloc-9 - Balita - http://motolyrics.com/gloc-9/balita-lyrics.html
 duna koy dala nga mga balita gikan sa banwa ko
 gusto ko nga ipahibalo ang mga istorya
 na naga gahitabo sa banwa gisaad na to 
mga bakal na dumudura ng apoy at ng tingga
 tangan tangan at balot nakasuot ng pang digma
 bakit di mapag tugma ang mayaman at dukha
 sa pananaw ang kapalit ay hapis at pag luluksa
 pare-parehong sundalo muslim man o kristyano
 ilan man ang masawi di mo alam sinong panalo
 walang panalo dahil sa huli tayo ang talo
 pinoy ang nasa loob ng ataul na sinarado
 yan ba talaga ang sumpa dito sa lupang
 pinangako respeto't pagmamahalan ay pilit na tinatago
 lawin hindi maka dapo may pakpak na limitado
 at naka kulong sa seldang may walang susing kandado
 kaylan kaya matatapos ang pag agos ng dugo
 at ang kpayapaay mahawakan ng buong buo
 yan ba ang kwento o tanong na pilit na humahawi
 sa bawat taong bahagi ng watawat na hinapi 
duul mga kaigsuunan ugpami naw kamo
 duna koy dala nga mga balita gikan sa banwa ko
 gusto ko nga ipahibalo ang mga istorya
 na naga gahitabo sa banwa gisaad na to









