- Votes:
- See also:
Gloc-9 - Demo Tape lyrics
Isang araw papunta ako sa bahay ng aking tropa 
 Kasi sabi nya tol heto na meron nakong nakuha na drum machine 
 Para marecord na natin ang rap mo 
 Tara na bilisan mo bago pa dumating ermat at erpat ko. 
 Sige bumili ka ng blank tape magbaon ka ng hotcake 
 Wag ka nang magdoorbell di naman nakalock ang aming front gate. 
 Lumipas ang ilang oras at sa wakas 
 Ay limang kanta ang aming natapos agad akong 
 Umuwi samin nagbihis at isinoot ang sapatos na lumat mabaho 
 Ay pudpod ang swelas pa aalis nako nay sige mag ingat ka. 
 Sumakay ako ng jeep akoy inantok at agad akong napapikit 
 Isang oras ang dumaan di ako nainip eto nga pong bayad 
 Dyan na lamang ako sa tabi o sige na dali. 
 Akoy bumaba sa cubao fishball na medyo hilaw 
 Ang tanghalian ko wow! 
 Sana ay di maligaw dahil eksakto lang ang dala kong pamasahe
 Di pako sumusweldo at di pa rin nakabale 
 Sa amo ko na masunget,
 Amo ko na kuripot, Gloc-9 - Demo Tape - http://motolyrics.com/gloc-9/demo-tape-lyrics.html
 Amo ko na walang alam gawin kungdi umikot at maghanap ng mali 
 Na ginawa ng kanyang mga tauhan 
 Ang sarap mong sampalin at ang sarap mong batukan hops!
 Mabalik tayo sa cubao matapos ang tanghalian kong fishball na hilaw hoy! 
 Parang kulang yatang pera na yong inabot, 
 Natapunan pa ng toyong polo kong suot, 
 Pasensya na ok lang pero nakasimangot 
 Binigyan na lamang ako ng dalawang balot, 
 Tapos naglakad ako papunta sa lugar na kung saan 
 Ay nandoon ang record label na susubukang mapasok at maibigay 
 Ang demotape ko na ito malapit na ako, 
 Andito na ako, 
 Papasok na ako, 
 Kinakabahan ako pero eto talaga ang gusto kong gawin. 
 Ang maging Rap Star na parang Rock Star 
 Magandang sports car kaso lang may guard. 
 Saan ka pupunta? Meron po akong demotape na dala. 
 Pero alam ba nila teka sino ka tumawag ka na ba 
 Iniintay ka ba pano yan di pala?"








