- Votes:
- See also:
Gloc-9 - Kislap lyrics
Kislap ng mga ilaw, 
 Sigaw at palkpakan
 Ang lahat ng mga tao'y
 Alam ang aking pangalan
 Yakapin mo , isipin mo
 Baka di na maulit 'to
 Yakapin mo , isipin mo
 Baka di na maulit ...
 Ibalik mo ako sa araw na nung ako'y
 Hinahanap ng aking inay habang lumalangoy
 Sa ilog na lumalim dahil bumagyo kagabi
 Walang tigil sa pagsisid kahit medyo madumi
 Ibalik mo ako sa kalsada kong nilakaran
 Patungo sa eskwelahan na aking pinasukan
 Mula una hanggang sa ika-anim na baitang
 Lubid ng aking turumpong nakatali sa'king baywang
 Ibalik mo ako sa araw na nung ako'y
 Pinagtatawanan dahil ang sapatos ko ay baduy
 Di mamahalin ang damit simula sa umpisa
 At ang aking pantalon ay di limang daan ang isa
 Ibalik mo ako nung ako'y nasa silid 
 Nagiisa, nagiisip at walang bumibilib
 Walang palakpakan at sigawan na nakakatulig
 Upang ang tinig mo lamang ang aking marinig
 Kislap ng mga ilaw, 
 Sigaw at palkpakan
 Ang lahat ng mga tao'y
 Alam ang aking pangalan
 Yakapin mo , isipin mo
 Baka di na maulit 'to
 Yakapin mo , isipin mo
 Baka di na maulit ...
 Ibalik mo ako sa mga araw na
 Nakadungaw sa bintana sige mangarap ka
 Magrap ka nga dito sa vitaris bumanat ka
 Baka mahulog ka sa jeep
 Pare humawak ka
 Ibalik mo ako sa araw na ko'y dinugas
 Akala ko kaibigan , kaya naging tagahugas
 Ng pinggan sa iba't ibang restaurantGloc-9 - Kislap - http://motolyrics.com/gloc-9/kislap-lyrics.html
 Dun mo subukang magapply ,
 Pare da' best daw yan .
 Lampas sa minimum ang sweldo
 Libre ka pa sa kain
 Di pwedeng pansustento
 Di malayong hikain
 Sa init ng kalan , lutuin mo isang banyera
 Pagod ka na, heto pa itaas mo ang bandera
 Ng mga manggagawang pinoy,may among mayamang tsinoy
 Gusto kong bumalik sa mga panahong noong ako'y
 Nananalanging palarin , mga adhikai'y makain
 Malupit na makata kung tawagin 
 Paborito kahit di taga-samin
Ibalik mo ako nung ako'y nasa silid 
 Nagiisa, nagiisip at walang bumibilib
 Walang palakpakan at sigawan na nakakatulig
 Upang ang tinig mo lamang ang aking marinig
 Kislap ng mga ilaw, 
 sigaw at palkpakan
 Ang lahat ng mga tao'y
 Alam ang aking pangalan
 Yakapin mo , isipin mo
 Baka di na maulit 'to
 Yakapin mo , isipin mo
 Baka di na maulit ...
 Kislap ng mga ilaw, 
 Sigaw at palkpakan
 Ang lahat ng mga tao'y
 Alam ang aking pangalan
 Yakapin mo , isipin mo
 Baka di na maulit 'to
 Yakapin mo , isipin mo
 Baka di na maulit ...
 Ibalik mo ako sa mga araw na
 'Pag sumasakay ng jeep ay may kaagaw pa
 Nung ang ilog sa may amin ay mababaw pa
 Nang Sa kabila ng lahat ay madalaw ka
Ibalik mo ako sa mga araw na
 'Pag sumasakay ng jeep ay may kaagaw pa
 Nung ang ilog sa may amin ay mababaw pa
 Nang Sa kabila ng lahat ay madalaw ka
 at makausap ...








