- Votes:
 - See also:
 
Rocksteddy - Deadma lyrics
Matagal ko ng gustong malaman mo
 Matagal ko ng itinatago-tago 'to
 Nahihiyang magsalita at umuurong aking dila
 P'wede bang bukas na
 Ipagpaliban muna natin 'to
 Dahil kumukuha lang ng tiyempo
 Upang sabihin sa iyo
 [Chorus ]
 Mahal kita pero 'di mo lang alam
 Mahal kita pero 'di mo lang ramdam
 Mahal kita kahit 'di mo naman ako tinitignan
 Mahal kita pero 'di mo lang alam
 Matagal ko ng gustong sabihin 'to
 Matagal ko ng gustong aminin sa'yo
 Sandali, 'eto na, at sasabihin ko na nga
 Ngayon na, mamaya, o baka p'wedeng bukas na
Dahil kumukuha lang ng bwelo upang sabihin sa iyo
(Repeat Chorus)
 Dahil kumukuha lang ng tiyempo
 Upang sabihin sa iyo
 [Rap]
 Mahal kita pero hindi mo lang alam
 Hindi mo alam kasi hindi mo naman ako tinitignanRocksteddy - Deadma - http://motolyrics.com/rocksteddy/deadma-lyrics.html
 Ayaw mo naman itanong sa akin
 Kasi baka nga naman hindi naman ikaw
 At hindi ko rin naman sa'yo sasabihin
 Kasi ayoko pa sa ngayon na manligaw
 Mahal kita pero hindi nga lang halata
 Hindi halata kasi wala naman akong ginagawa
 Hindi ako kumikibo, hindi ako nagsasalita, wala!
 Pero hindi ako torpe
 Hindi ko lang talaga masabi sa'yo ng harapan
 Mahal kita pero dehins mo pa rin ramdam
 Hindi mo ko tinitignan, hindi rin kita tinitignan
 Lagi mo lang akong pakikiramdaman
 Lagi rin kitang pakikiramdaman
 At araw-araw tayong magdededmahan
 Hanggang sa tayo ay magkabistuhan
 Pero ngayong malapit nang matapos ang kanta ko
 Nais kong magkaalaman na
 Nais kong ako na rin ang magsabi sa'yo ng harapan
 Kasi alam kong dun din naman ang tuloy nyan
 At dalawa rin lang naman ang posibleng sagot dyan, oo o hindi
 Kaya 'eto na sasabihin ko na para matapos na
 At hindi na magka-tsismisan pa
 Sasabihin ko na para wala nang problema
 At para hindi na rin tayong lahat mabitin pa
 Mahal kita pero 'di mo lang alam
 Mahal kita pero 'di mo lang ramdam
 Mahal kita kahit 'di mo naman ako tinitignan
 Mahal kita kahit lagi mo na lang akong dinededma









