- Votes:
- See also:
Sevenes - Ang Aking Panalangin lyrics
(Chorus) 2x
Una dyos Ama, Pangalawa ay Buhay,
Pangatlo ay Pamilya, Asawa at iba pa.
1st Verse:
"Sevenes"... Una ay dyos, sya ang gabay na nagbibigay ng lakas sa buhay
Nagpapatnubay at nagkukulay ng ating araw, at gumagabay sa bawat galaw
Sa bawat tapak ng ating nilalakbay sa damdamin ng ating buhay
Sya ang tinatawag ko na hari, kaibigan ko lahat ng bagay pwede kong masabi
Sa kanya lang ako nagdadasal katulad nito, ito ang aking panalangin sana madama mo
Kantang sinulat kinanta ginawa ko para sa akin, sayo, sa panginoon na mahal ko
Nagpapasalamat ako, na binubuhay nyo po ako
Kasama narin ang pamilya ko, mga pinsan ko
Kaibigan, kapatiran, mga mahal ko sa buhay na marunong rumespeto
Pati narin po itong mga musika na ginawa ko
Ginagawa ko po lahat makatulong lang ako sa tao
Tunay po puso ko inaalay sa katulad ninyo
At sana mapatawad po ninyo ako sa mga kasalanan kong nagawa,
Nagawa... nagawa... sa buong buhay ko...
(Chorus) 2x
Una dyos Ama, Pangalawa ay Buhay,
Pangatlo ay Pamilya, Asawa at iba pa.
2nd Verse:
Pangalawa ay buhay, buhay ko, buhay mo, buhay nating lahat
Ay dapat ng magising sa katotohanan
Wag na tayong manakit, isat isa ay alagaan
Yakapin mo ang taong nangangailangan
Kagaya ko, kailangan kong yakapin ang tagumpay at ang
Panalo, sana makamit ko balang araw
Sa langit tayo magdasal, kahit pa natin isigaw
Isigaw ng malakas na kayo na po ang bahala
Patnubayan buhay namin, na araw gabi kami ay masaya
Na may makain sa umaga, sa tanghali, hapunan ay may ilaga
At sana may himala, at sana may payapa
At sana may pag-asa na mawala ang problema
Sevenes - Ang Aking Panalangin - http://motolyrics.com/sevenes/ang-aking-panalangin-lyrics.html
Ibat iba ang buhay, ibat iba ang misyon na gawain ng iba, ito ang tunay
Tingnan mo yung pinanganak ng mahirap,
Tingnan mo yung pinanganak ng mayaman
Minsan baliktad ang kanilang kapangyarihan,
Dito malaman na ganito talaga ang buhay...
Buhay ko, buhay mo, buhay nating laha, "ang ating kapalaran"...
(Chorus) 2x
Una dyos Ama, Pangalawa ay Buhay,
Pangatlo ay Pamilya, Asawa at iba pa.
3rd Verse:
Pangatlo ay asawa, Di ka dapat sa kanya magsawa
Di mo dapat pag palit at wag paiyakin pa
Sila ang tunay na magdadalang anak mo at iyong bata
Wag na wag mong sasaktan sya
Tandaan mo na sya lang ang mamahalin mo hanggang tumanda
Sa ikli ng buhay, siguradohin na kayo ay laging magkasama
At kailangan nyo ng tiwala sa isat isa,
Upang marating ninyo ang walang away ito ay tama
At sa anak ninyo, alagaan ninyo at pansinin pa
Wag pababayaan, dapat lagi sila mahalin
Wag sisigawan oh sila ay maging masama at biglang maghiganti
Kaya mga magulang, hinay hinay lang tiwalaan mo ang yong kakampi
Mga anak respetohin mo ang iyong mga magulang
Wag nyong kalimutan sya ang yong pinangalingan
Ang tunay na magmahal sayo, kahit anong mangyari sila sasaklolo
Sasagip sayo, pag ikaw ay naligaw sa bisyo
Sa akin naman panginoon, wag nyo po akong pababayaan
Dyan lang po kayo sa likod ko, kasama ng mga anghel kong kaibigan
At sa mga kanta kong ginagawa, mayat maya sana marinig na ng bayan
Kapatid ito ang tunay at katotohanan
Wala akong pakielam sa pera, sa kwarta, sa salapi
At iba pa, gusto ko lang pong marinig ninyong lahat nilalaman
Ng utak ko, at puso ko, itong panalangin ito na inaalay ko sa dyos...
Na sana... maintindihan po ninyo ako... amen...