- Votes:
- See also:
Wolfgang - Man98 lyrics
Sa pagmulat ng aking mata
 Ako'y ginising ng ihip ng hangin
 Ang sikat ng araw makulay
 Sa tabing ilog parang may tumatawag
 Ako'y lumapit sa puno'y may natatanaw
 Dumilim ang araw
 Bumigat bigla ang aking dibdib
 Tibok ng puso'y bumilis
 Ako'y hindi mapakali
 Ako'y naduduwal
 Sa pagtitig ng kanyang mata
 Ako'y kanyang hinusgahan
 Ligaya kong naramdaman
 Binawi sa akin
 At hindi ko maalala
 Kung saan galing ito
 Mga bahid ng dugo
 Dumikit sa aking mga kuko
 Tumakbo lumayo sa lugar nato
 Lalamunan ko'y tuyong-tuyo
 Tumatakbo lumalayo sa titig moWolfgang - Man98 - http://motolyrics.com/wolfgang/man98-lyrics.html
 Sa mata ng Diyos
 Biglang umikot ang paningin
 Liwanag ng araw biglang dilim
 Nalambing na ihip ng hangin
 Ngayon ay matalim
 Ako'y nawala sa aking sarili
 Pati ang lupa'y gumanti
 Bato bundok o puno man
 Sumisigaw sumisigaw
 At ngayon ko nakikita
 Ang lahat ng kasalanan
 Tinaboy sa ulan
 Init ng kamunduhan
 Tumakbo lumayo sa lugar na to
 Lalamunan ko'y tuyong tuyo
 Tumakbo lumayo at magtago
 Sa mata ng Diyos
 Inalok ako ng mansanas
 Pula't matamis na mansanas
 Pilit ko man hindi makaiwas
 Sa mata ng Diyos









