Flict-G

Makikilala Mo Ako Lyrics

Makikilala Mo Ako video

Flict-G
Overview
Votes:
0
Wrong lyrics?

Flict-G - Makikilala Mo Ako lyrics

Sino ba si flict g na madalas naririnig

Na kilala lang sa pangalan ng mga tagapakinig

Maraming di nakakakilala sa akin ng personal

Na maging sa panloob pati na rin sa pisikal

Okay, sisimulan ko munang magpakilala

Ang tunay na pangalan raymond buenceso rivera

Taga mandaluyong at sa aurora, baler sinilang

Taas noo na sa repablikan ako nabilang

At nakasama mga malulupit kong idolo

Aking tanging hangarin ay magbigay ng titulo

Sa mga tinuring ko na aking ikalawang pamilya

Sila ang nagdugtong ng lupa upang makilala

Ang tao na sa radyo ko lagi pinapakinggan

Tinatawag syang denmark isa ring batikan

At yan ang kwento ng huling taon ko sa pagkabinata

Unang pahina at unang kabanata

Koro

Kundi mo pa ako kilala pakinggan ang awit na to

Sa pagsabay sa himig ko makikilala mo ako

Samahan mo ng puso ang pakikinig sa king kanta

Isantabi ang mga poot at buksan ang mga mata

Ako ung taong makasalanan din kung tutuusin

Handa akong isuko ang buhay ko kung tutubusin

Ni hesus ang aking buhay ay aking tatanggapin

Pagkat alam kong mga diablo sakin ay tatanggalin

Kung yan lang ang paraan upang malinis ang kaluluwa

Hindi ko ikalulungkot at aking ikatutuwa

Ang daming kong kasalanan na hindi pinagbayaran

Ang dami kong sinaktan marami ring pinabayaan

Mga payo ng magulang at kanilang pangangaral

Di ko naisip silay dahilan ng aking pag-aaralFlict-G - Makikilala Mo Ako - http://motolyrics.com/flict-g/makikilala-mo-ako-lyrics.html

Ng dahil sa kanila hindi ako lumaking tanga

Masinop ang aking inat masipag ang aking ama

Nasuway ko na rin ang ilang batas ng sampung utos

Sa sampu, sinuway ko ang tatlumpung puntos

May misyon ako sa buhay pero di pa tapos

Ang talikuran ang demonyo at humarap sa diyos

(Repeat koro)

(Repablikan recordz syndicate productions)

(Crazy family)

(187 mobstaz)

(Flict g)

(Blind rhyme productions)

Yo!

Dati akong hindi naniniwala sa panginoon

Ayaw kong sumama pag nagsisimba kami noon

Siga pa kung maglakad at maangas na binatilyo

Pag lumabas nakahubad at malakas manigarilyo

Nung nakilala ko siya nagbago buhay ko dahil

Salita pa lang niya pumuputol na ng pangil

Ako mismo magsasabi dapat magpasalamat ka

Ayaw ka nyang mapahamak kahit makasalanan ka

Mga nagdaang panahon ay aking babalikan

Salamat sa mga sumusuporta sa repablikan

Salamat sa mga nakaaway ko at nakasagupa

Kayo ang dahilan kung bakit ako nahasa

At kay siobal d na nagbigay sakin ng kayamanan

Kayamanang kahit kaylan ay di ko kayang bayaran

Dahil sa panginoon marami akong natamo

Sya ang dahilan kung bakit naririnig mo kanta ko

(Repeat koro)

Write a comment

What do you think about song "Makikilala Mo Ako"? Let us know in the comments below!

Recommended songs