- Votes:
 - See also:
 
Gary Granada - Hanggang Kailan, Hanggang Saan lyrics
Sa isang yugto, ang rosas ay
 Matutuyo, mamamatay
 Katulad ng marami nang sumpaan
 Sa isang puwang ng hininga
 Nagbago ang isa't isa
 May aalis at may isang iiwan
 Tayo kaya ay magtatagal
 O sing-ikli ng isang kanta
 Gaano kaya kung magmahal
 Hanggang kailan, hanggang saan sinta
 Sa isang iglap magbabalik
 Sa isang sulyap, sa isang halik
 Maya-maya ay minsan pang lilisan
 Minsang sumpa'y nakakalas
 At sugat ay dumadalas
 Paano pa, paano lulunasanGary Granada - Hanggang Kailan, Hanggang Saan - http://motolyrics.com/gary-granada/hanggang-kailan-hanggang-saan-lyrics.html
 Tayo kaya, mangangako pa
 Kung ang tamis di na madama
 Dapat kaya, dapat pa ba
 Hanggang kailan, hanggang saan sinta
 Hangga't buo pa ang daigdig
 At puso ko ay may pintig
 Hangga't mayrong saysay ang kasaysayan
 Ang tagginaw at tagtuyot
 Ang tagpanglaw at taglungkot
 Sa piling mo'y aking makakayanan
 Hanggang tilas ay magbagong-anyo
 Hanggang sila'y maging paruparo
 Giliw sana'y pag-ibig mo
 Katulad ng pag-ibig ko sa iyo
 Hanggang ako't ika'y naririto









