- Votes:
 - See also:
 
Gary Granada - Kapag Sinabi Ko Sa Iyo lyrics
Kapag sinabi ko sa iyo na ika'y minamahal
 Sana'y maunawaan mo na ako'y isang mortal
 At di ko kayang abutin ang mga bituin at buwan
 O di kaya ay sisirin perlas ng karagatan
 Kapag sinabi ko sa iyo na ika'y iniibig
 Sana'y maunawaan mo na ako'y taga-daigdig
 Kagaya ng karamihan, karaniwang karanasan
 Daladala kahit saan, pang-araw-araw na pasan
 Ako'y hindi romantiko, sa iyo'y di ko matitiyak
 Na pag ako'y kapiling mo kailanma'y di ka iiyakGary Granada - Kapag Sinabi Ko Sa Iyo - http://motolyrics.com/gary-granada/kapag-sinabi-ko-sa-iyo-lyrics.html
 Ang magandang hinaharap sikapin nating maabot
 Ngunit kung di pa maganap, sana'y huwag mong ikalungkot
 Kapag sinabi ko sa iyo na ika'y sinisinta
 Sana'y yakapin mo akong bukas ang iyong mga mata
 Ang kayamanan kong dala ay pandama't kamalayan
 Na natutunan sa iba na nabighani sa bayan
 Halina't ating pandayin isang malayang daigdig
 Upang doon payabungin isang malayang pag-ibig
 Kapag sinabi ko sa iyo na ika'y sinusuyo
 Sana'y ibigin mo ako, kasama ang aking mundo









