- Votes:
Hash One - Batang Musmos lyrics
Sa may lansangan isang batang nagtatapang-tapangan
Hindi maikubli sa mata hirap na naranasan
Gustong takasan ang riyalidad na hinaharap
Napasama sa grupo ng mga taong mapagpanggap
Hinahanap kalinga ng kanyang ina dahil katorse anyos palang ng kuhanin siya ng may kapal
Sumatutal naging brutal ang mukha'y naging makapal pati sarili ay kanyang kinakalakal
Alipin ng mapagsamantala sinusugal ang buhay at ang makikinabang ay sila
Droga at alak gusto laging karamay nasan naba ang dapat umaantabay
Sa kanyang pag laki wala na siyang pake tingin sa kanya ay halos walang silbe!
At sa tuwing ipipikit ang kanyang mga mata isa nanaman malagim na bangungot ang mumulat sa kanya
Ito'y istorya ng isang batang musmos
Hinding hindi bumibitaw kahit na naghihikaos
Ito'y istorya ng isang batang musmos
Hinding hindi bumibitaw kahit na naghihikaos
Hindi matapos pagsubok na sa kanya ay gumapos
Nagdarasal sa may kapal na sanay makaraos
Ngunit sadyang nagkalat ang tukso
Imbis na pag-aaral ang unahin inatupag nya ay bisyo
Halos buto't balat pinabayaan ang sarili
Pati mga kaanak sa kanya ay nandidiri
Ang kanyang pagkatao ay tinatapak-tapakan
Na galit sa mundo na parang aso na matapang
Sa isang iglap mga pangarap ay naglaho
Nagsisilbing tahanan ay lansangan na mabaho
Nalilito nalilito saan paba babaling lahat ginagawa na para meron lang makain
Nagtutulak ng droga ang trabaho ay sa kalye
At pag walang wala na pagnanakaw ang diskarte
Lapis at papel sagot sa kanyang kalungkutan
Lumalakas na ang ulan hanap na ng masisilungan
Hash One - Batang Musmos - http://motolyrics.com/hash-one/batang-musmos-lyrics.html
Ito'y istorya ng isang batang musmos
Hinding hindi bumibitaw kahit na naghihikaos
Ito'y istorya ng isang batang musmos
Hinding hindi bumibitaw kahit na naghihikaos
Lumipas ang mga panahon at pinilit nyang bumangon
Sarili ay inahon mula sa putik ng kahapon
Bisyo'y kinalimutan at siya ay muling nag-aral
Inisantabi ang mga bagay na sakanya ay sagabal
May ambisyon din ang isang katulad nya na tao
Umaasa balang araw ang tadhana'y magbabago
Mga pinagdaanan nya'y hindi malilimutan
Sa mga pinagdaan siya'y tumibay ng lubusan
Na harapin ang bawat bukas kahit na nahihirapan
Natutong magsakripisyo para sa kanyang kinabukasan
Bagong buhay bagon hamon pag-aaral ay tatapusin
At ang landas na tinatak ay kanyang aayusin
At ang kantang ito ay mag-iiwan ng mensahe
Para sa mga kabataan na nilalaman ng kalye
Kahit na anong unos dyos ama iyong sandigan
Hanggat buhay ay may pag-asa tuloy ang laban kaibigan
Ito'y istorya ng isang batang musmos
Hinding hindi bumibitaw kahit na naghihikaos
Ito'y istorya ng isang batang musmos
Hinding hindi bumibitaw kahit na naghihikaos
Aking istorya nung ako'y isang musmos
Hindi ako bumibitaw sa kahit na anong unos
Aking istorya nung ako'y isang musmos
Hindi ako bumibitaw sa kahit na anong unos
Ito'y istorya ng isang batang musmos hinding hindi bumibitaw kahit na naghihikaos!