- Votes:
- See also:
Gary Granada - Ang Butil Ng Pag-ibig lyrics
Tatlong magkakaibigan ang sa gubat napasyal
 Magsasaka, mangangaral at mangangalakal
 Doo'y may ermitanyong nasalubong nila
 May tatlong kumikislap na butil na dala
 Butil ng pag-ibig, wika ng matanda
 Ay ipamahagi palagi sa kapwa
 Ang mamamg negosyante, inuwi sa kanila
 Ang butil ng pag-ibig binigyan ng halaga
 Sa hapag ng mamahalin at babasaging kristal
 Nilapag at itinuring na panauhing pandangal
 Ngunit kahit na ang butil ay panatag sa silid
 Ay nanatiling butil ang butil ng pag-ibig
 Butil ng pag-ibig, wika ng matanda
 Ay ipamahagi palagi sa kapwa
 Ang magiting na guro, kanyang isinapuso
 Ang butil ng pag-ibig itinuring na ginto
 Gary Granada - Ang Butil Ng Pag-ibig - http://motolyrics.com/gary-granada/ang-butil-ng-pag-ibig-lyrics.html
 Nilukuban ng talino ng maingat na pantas
 Sa sisidlang kumikinang ng pilak na kwintas
 Ngunit kahit na ang butil ay panatag sa dibdib
 Ay nanatiling butil ang butil ng pag-ibig
 Butil ng pag-ibig, wika ng matanda
 Ay ipamahagi palagi sa kapwa
 Ang masinop na magbubukid, isinalin sa paso
 Ang butil ng pag-ibig inalay sa mundo
 At sa lupa na sa sipag at tiyaga ay binungkal
 Sa bakuran ng katuwiran na hindi nabubuwal
 Sa palibot na payapa hinasik at dinilig
 Sumibol at namunga ang butil ng pag-ibig
 At sa lupa na sa sipag at tiyaga ay binungkal
 Sa bakuran ng katuwiran na hindi nabubuwal
 Sa palibot na payapa hinasik at dinilig
 Sumibol at namunga, namunga ng kalinga,
 Tiwala at pag-asa ang butil ng pag-ibig












