- Votes:
- See also:
Gary Granada - Nakikita Mo lyrics
Kagaya ng isang dula
 Minsang ito'y umpisahan
 Kung paanong mayrong simula
 Ay mayron ding katapusan
 Ang awit mang naririnig
 Larawan bang namamasdan
 Lahat ng bagay sa daigdig
 Mayrong hangganan
 Pangako ay naiiga
 Huwag lang mangusap ng tapos
 Dahil tayo'y nag-iiba
 Lahat ng tao ay kapos
 Kanikaniya tayong antas
 Ngunit katulad ng hagdan
 Kahit gaano kataas
 Ay may hangganan
 Ang iyong lakas ay may humpay
 Huhulaw bawat halakhak
 Sa salawahang tagumpay
 Huhupa rin ang palakpak
 Bakit ka ba patatangayGary Granada - Nakikita Mo - http://motolyrics.com/gary-granada/nakikita-mo-lyrics.html
 Patutuksong pag-abalhan
 Ang bukas na hinihintay
 Baka nga di mo pa datnan
 Hangga't di mo natagpuan
 Ang puno't dulo ng buhay
 Lahat ay masasayang lang
 Mawawalan din ng saysay
 Hanapin mo ang Maylikha
 Dahil siya ang kahulugan
 Nagwikang siya ang simula
 At ang hangganan
Ang iyong lakas ay may humpay...
 Hangga't di mo natagpuan
 Ang puno't dulo ng buhay
 Lahat ay masasayang lang
 Mawawalan din ng saysay
 Hanapin mo ang Maykatha
 At naroon ang kabuluhan
 Nagwikang siya ang simula
 At ang hangganan












