- Votes:
- See also:
Gary Granada - Saranggola Sa Ulan lyrics
Naririnig ko pa ang tawa't hagikgik
 Ng una kong sinta at kalarong paslit
 At ang sabi ng matatanda
 Siya ay maalwan, ako'y dukha
 Di raw kami bagay at kayraming dahilan
 Ngunit si Bakekay ay walang pakialam
 Sa aming kamusmusan kayraming palaisipan
 Ngunit tatlong bagay ang aking natutunan
 Ang pag-asa'y walang hanggan
 Pag-ibig ay walang hadlang
 At lilipad ang saranggola sa ulan.
 At kung ang pagsinta ay di man nagtagal
 Ang mas mahalaga natutong magmahal
 Umibig na walang panghihinayang
 Kahit malamang na masaktan
 Kanina lang, sa aking tabi'y may aleng lumikoGary Granada - Saranggola Sa Ulan - http://motolyrics.com/gary-granada/saranggola-sa-ulan-lyrics.html
 At sa pagmamadali, nasagi ang aking puso
 Eto na naman ako sa aking kabaliwan
 Na sinasabi nga nilang suntok sa buwan
 Ngunit hindi hihindian ng tulad kong natuto nang
 Magpalipad ng saranggola sa ulan
 Gaya ng lagi't laging sinasabi ko
 O siya nawa ay siya na nga ang totoo.
 Eto na naman ako sa aking kabaliwan
 Na sinasabi nga nilang suntok sa buwan
 Ngunit hindi hihindian
 Ng tulad kong natuto nang
 Magpalipad ng saranggola sa ulan
 Heto ako, tumatandang
 Nakahandang panindigang
 Ang bato sa tubig ay lulutang
 At lilipad ang saranggola sa ulan












